MAYNILA - Nagdagdag ng isa pang tent sa labas ng Sta. Ana Hospital dahil sa dumaraming mga pasyente sa pagamutan. 

Makikita sa labas ng mga tent ang mga tangke ng oxygen na ginagamit para sa mga COVID patients at sa may respiratory illness. 

Nauna nang sinabi ni Dr. Grace Padilla, medical director ng ospital, na halos full capacity na ang ospital. Nakikipag-ugnayan sila sa ibang ospital sakaling kailangan ilipat ang ibang mga pasyente gaya sa PGH at sa Tala Hospital sa Caloocan. 

Nakahanda rin ang nasa 400 oxygen tanks at may storage na rin sila na 4,000 remdesivir at 1,000 na Tocilizumab. 

Dito rin dinala si Manila Mayor Isko Moreno nitong gabi ng Linggo matapos siyang magpositibo sa COVID-19.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Source link